
Did you Know that?
|
Pangrehiyunal na Planong Aksyon ng IPEN sa Timog-Silangang Asya
Pangrehiyunal na Planong Aksyon ng IPEN sa Timog-Silangang Asya Inihanda ni Dr. Rommy Quijano, PAN- Philippines at Manny Calonzo, GAIA
Daloy
1. Introduksyon 1.1 Rasyunal 1.2 GAIA at PAN-Philippines 1.3 IPEP: Pandaigdigan, pambansa at rehiyunal na gawain 1.4 IPEN 1.5 Ang rehiyunal na serbey
2. Resulta ng serbey 2.1 Usapin sa kapaligiran, kalusugan at kemikal 2.1.1 Pestesidyo 2.1.2 Basura 2.1.3 Pagbuga ng POPs: Dioxin at iba pang mga di-sinasadyang produkto ng POPs 2.1.4 Rehimen para sa paglago ng Ekonomiya at kaligtasan sa kemikal 2.2 Mga pamamaraan, gawi at stratehiya ng NGOs 2.2.1 Pagmumulat 2.2.2 Pakikipagalyado sa iba pang NGO 2.2.3 Paglahok sa polisiya: pandaigdigan at pambansang pakikisangkot 2.2.4 Pagsubaybay 2.2.5 Pagtulak at pagsasalarawan ng mga ligtas na alternatibo 2.2.6 Pag-unlad ng organisasyon
3. Pangrehiyunal na planong aksyon: mga pagkakataon at pangangailangan 3.1 Stratehikong pangrehiyong balangkas ng NGOs 3.1.1 Pagpapalakas ng ugnayan ng mga NGO, pagtutulungan at pamamahagi ng mga impormasyon 3.1.2 Kasunduang internasyunal at pampolisiyang talakayan para sa pagkilos sa antas nasyunal 3.2 Mga pangangailangan ng NGO 3.2.1 Pagbubuo ng kapasidad at pagsasanay 3.2.2 Mga pagsasanay pangkaunlaran sa organisasyon 3.2.3 Pagsubaybay: kapaligiran at tao: paggawa ng datos
4. Pagtatapos
1. Introduksyon
Ang mga nakalipas at kasalukuyang produksyon, paggamit at pagtatapon ng mga nakakalason at delikadong kemikal ay lumikha ng maraming masasamang epekto sa tao at sa kalikasan. Ang mga mahihirap, kababaihan, bata, manggagawa at mga katutubo ang kalimitang bulnerable sa mga epekto ng nakakalasong kemikal. Sila ang madalas na nagiging biktima ng mga malalalang sakit tulad ng kanser, abnormalidad, pagkasira ng immune at endocrine systems’. Kaya naman, ang mga non-governmental organizations (NGO) sa buong mundo ay tumugon sa panganib at epekto na nilikha ng mga nakakalasong kemikal sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan at aktibidad.
Ang Pangrehiyunal na Planong Aksyong ito ay nagmula sa mahigit na sampung taon na pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa Stockholm Convention on Persistent Organic Pollutants (POPs) at gayundin sa pagtutulungan ng mga NGO na kasapi ng International POPs Elimination Network (IPEN) at iba pang mga organisasyon na may layunin sa isang kinabukasang ligtas, malinis at malaya sa mga nakakalasong kemikal.
1.1 Rasyunal
Ang Stockholm Convention on Persistent Organic Pollutants (POPs) ay pinagkaisa ng mga mamamayan ng daigdig upang tugunan ang problema ng POPs, at mapayaman ang kaalaman hinggil sa pagharap ng problemang pangkaligtasang sa mga kemikal sa Asya at sa iba pang rehiyon ng mundo. Mula nang itaguyod ang Convention nuong 2003, matagumpay na ipinatupad ng IPEN ang International POPs Elimination Project (IPEP), na may mahigit sa 290 na proyekto sa 65 bansa, upang himukin ang partisipasyon ng civil society sa paghahanda para sa Stockholm Convention National Implementation Plans.
Ang proyektong IPEP ay tumulong sa mga NGOs sa Timog-silangan Asya na magtukoy ng isang pangrehiyon na sentro para paganahin ang paglahok ng mga NGOs at pagpapatupad ng mga proyekto. Para sa Timog-silangan Asya, ang Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA) at ang Pesticide Action Network-Philippines (PAN Philippines), ay magkasamang kumatawan sa Southeast Asia POPs Elimination Network (SEAPEN) bilang pangrehiyunal na sentro.
Mula nang matapos ang proyektong IPEP noong 2006, ang PAN-Philippines at GAIA, sa pakikipagtulungan sa sekretaryat ng IPEN ay nagsagawa ng isang rehiyunal na surbey para sa mga NGOs sa Timog-silangan Asya. Ang mga NGOs at civil society organizations o CSOs sa rehiyun ay sinurbey para sa mga sumusunod na layunin:
· Itaguyod ang pakikipagtalastasan sa pagitan ng mga NGOs/CSOs sa rehiyon; · Balangkasin ang kasalukuyang kalagayan ng kaligtasan sa mga kemikal ng rehiyon; · Patampukin ang mga prayoridad na usapin sa kemikal na tinugunan ng NGO/CSOs; at · Gumawa ng isang Pangrehiyunal na Planong Aksyon sa Timog-silangan Asya.
1.2 GAIA at PAN-Philippines
Ang nagpatakbo ng proseso ng pagdudugtong ng mga NGOs sa rehiyon ay ang Southeast Asia POPs Elimination Network (SEAPEN) na siyang tumatayong impormal na sentro sa Timog-silangan Asya. Ang SEAPEN ang nagpagana sa kaalaman at lakas ng PAN-Philippines and GAIA.
Ang PAN Philippines ay isang NGO na may pampublikong interes at nagtatrabaho hinggil sa usapin ng pestisidyo at pampublikong kalusugan at kapaligiran sa mahigit sa isang dekada. Bilang bahagi ng Global Pesticide Action Network, ang PAN-Philippines ay nakaambag sa mga matatagumpay na kampanya laban sa mga matitinding lasong pestesidyo tulad ng endosulfan, methyl parathion, triphenyltins, monocrotophos, at ethyl parathion na nagresulta sa pagbabawal o mahigpit na paglilimita sa paggamit ng mga ito. Lumahok din ang PAN-Philippines sa kampanya laban sa genetically modified organisms (GMOs) at kilos ng mamamayan para sa makalikasang pagsasaka at soberenya sa pagkain.
Tinataguyod din ng PAN-Philippines ang Community Pesticide Action Monitoring (CPAM) bilang isang gamit sa pananaliksik at pag-oorganisa upang protektahan ang mga komunidad sa masasamang epekto ng pestesidyo at iba pang mga agro-kemikal na produkto. Para sa dagdag na impormasyon maaring bumisita sa http://wordpress.com/tag/pesticide-action-network-philippines/
Ang GAIA ay isang pandaigdigang alyansa na nagtataguyod ng interes ng publiko na naglalayong magmobilisa ng aksyon mula sa komunidad upang labanan ang pagkalat ng mga incenarators at iba pang mga maduduming teknolohiya. Gayundin, ang GAIA ay naglalayong bumuo ng isang kilusan para sa isang makalikasan at makatarungan solusyon sa krisis sa basura at klima. Ang opisina ng GAIA sa Manila ay gumagampan ng mahalagang papel sa pagbibigay serbisyo sa mga pangangailangan ng mga ksapi sa Asya particular sa pagbibigay ng impormasyon at suportang kampanya upang pigilin ang paglawak ng mga greenhouse gas at mga teknolohiyang lumilikha ng POPs. Tumutulong din ang GAIA sa paghimok sa civil society na lumahok sa mga usapin sa kaligtasan sa kemikal. Maaring pumunta sa http://www.no-burn.org/ sa dagdag na impormasyon.
1.3 IPEP: Pandaigdigan, pambansa at rehiyunal na gawain
Ang IPEP ay isang pandaigdigang proyekto na naglalayong maghanda at magbuo ng kapasidad ng mga NGOs na epektibong lumahok sa pambansang pagpapatupad ng Stockholm Convention on POPs. Ang tatlong layunin ng IPEP ay ang mga sumusunod:
· Magsagawa ng konkretong gawain na naglalayong tulungan ang mga bansa sa Silangan na maghanda sa pagpapatupad ng Tratado sa POPs; · Pagbutihin ang kakayanan at kaalaman ng maliliit at karaniwang mga organisasyon upang tulungan sila na iangat ang kanilang kapasidad na maging epektibong kalahok sa pagpapatupad ng Kumbensyon sa mga bansa sa silangan; at · Isagawa ang rehiyunal at pambansang koordinasyon para sa pangkalusugan at pangkalikasang organisasyon na may kinalaman hinggil sa POPs at iba pang nakakalasong kemikal at polusyon.
Sa kabuoan, mahigit sa 290 aktibidad ang naisagawa ng mahigit ng 175 organisasyon sa sa 65 mahihirap na bansa. Dagdag pa, mayroong 8 Regional Facilitation Hubs na naitayo (tignan IPEP website - www.ipen.org/ipepweb1).
Sa Timog-silangan Asya, ang PAN-Philippines at GAIA ay nagkoordina sa mga NGOs sa limang bansa sa Timong-silangan Asya (at dalawang bansa sa Silangan Asya at Timog Asya) na nagresulta sa pagpapatupad ng 36 na NGOs sa 23 kabuoang proyekto. 1.4 IPEN
Mula 1998, ang International POPs Elimination Network (IPEN) – isang pandaigdigang network ay lumaki sa mahigit na 600 na mga pangkalikasan, pangkalusugan, pampublikong interes na organisasyon na kumikilos upang alisin ang “dirty dozen”[1] na nakakalasong kemikal sa mabilis bagamat pantay na batayan. Ang mga nakakalasong kemikal na ito ay natukoy para sa kagyat na aksyon sa ilalim na Stockholm Convention on Persistent Organic Pollutants (POPs).
Ang Stockholm Convention ay ang unang pandaigdigan, pananagutang legal na tratado na kumokontrol sa produksyon at pagpapakawala ng mga nakakalasong kemikal. Ang layunin nito ay upang bawasan at alisin ang mga masasamang at maduduming kemikal. Nagsimula ito sa pagtukoy ng unang listahan ng 12 POPs. Ang POPs ay malawakang kumakalat at tumatagal sa paligid. Ang mga ito ay naiipon sa sirkulo ng pagkain kasama ang katawan ng tao. Ang POPs ay maaring sumira sa mga sistema ng katawan ng tao na maaring magdulot ng kanser at abnormalidad sa paglaki.
Noong 2006, sa pagtaguyod ng IPEN Declaration for a Toxics-Free Future (http://www.ipen.org/ipenweb/library/ipendocuments/ipenddeng.pdf), pinalawak ng IPEN ang kanyang pagtuon:
“kumilos at kamtin sa taong 2020 ang isang “Malaya sa Lason n Kinabukasan”, kung saan ang lahat ng mga kemikal ay linilikha at ginagamit sa paraan na naaalis ang masamang epekto nito sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran, at kung saan ang mga POPs at mga kemikal na may kaparehong panganib ay hindi na makakadumi sa local at pandaidigang kapaligiran, at hindi na makakalason sa ating mga komunidad, pagkain, katawan o sa mga kalusugan ng mga bata at ng mga susunod na henerasyon.”
Upang maisulong ang kanyang misyon, nagpokus ang IPEN sa pagsama ng mga NGOs sa mga mahihirap na bansa at mga bansang nasa transisyon ang ekonomiya sa paglahok sa internasyunal at pambansang diskusyon sa polisiya at gayundin sa pagsusulong ng mga aktibidad na nagpapalakas ng kapasidad at kaalaman ng mga NGOs.
1.5 Ang rehiyunal na serbey
Upang sundan ang mahigit na 290 aktibidad na isinagawa sa loob ng proyektong IPEP, ang Sekretaryat ng IPEN at ang walong Rehiyunal na Sentro[2] ay nagsimula ng isang rehiyunal estratehiyang aksyon upang tipunin ang mga impormasyon mula sa mga NGOs na kumikilos sa mga temang pangkaligtasan sa kemikal; isa dito ang pagbabalangkas ng mga prayoridad, pangangailangan, kakakayahan at mga oportunidad ng mga NGOs sa perspektibang pangrehiyon. Isang komun na porma ng surbey ang binuo ng lahat ng walong rehiyunal na sentro at ng sekretaryat at ito ay isinalin mula sa Ingles tungo sa salitang Arabo, Pranses, Ruso, at Kastila na ipapaikot sa mga rehiyunal na sentro. Sa proseso ng surbey, ang bawat rehiyunal na sentro ay bumuo ng mga email listserve at gumawa ng mga database ng kontak ng mga NGO upang isulong ang palihan sa rehiyon. Sa kabuoan, mayroon 208 na NGOs sa 82 bansa ang nasurbey sa buong mundo.
Ang Southeast Asia Regional Assessment ay nagsurbey sa 24 NGOs mula sa mga sumusunod na bansa: Cambodia, Indonesia, Malaysia, Philippines, Thailand and Vietnam, and also from China, India and Sri Lanka. Isang grupo ng mga sinurbey ay tumuon sa usapin sa pestisidyo at sa pagtataguyod ng makalikasang pagsasaka, kasama na ang mga di-kemikal at ekolohikal na alternatiba sa pestisidyo at herbicides. Ang ibang grupo naman ay tumuon sa usapin ng nakakalasong kemikal na may kinalaman sa polusyon mula sa mga munisipal, industriyal at hospital na mga basura at sa mga tambakan tulad ng basurahan, landfills at incinerators.
Ang mga NGOs na ito ay tinukoy upang magbigay ng kaalaman sa pangrehiyunal na pagtatasa dahil sa kanilang karanasan sa International POPs Elimination Network, at/o International POPs Elimination Project, o sa iba pa nilang karanasan na sa tingin ng IPEN SEA Regional Co-Hubs, PAN-Philippines at ng Global Alliance for Incinerator Alternatives-Philippines ay makakatulong sa pagbibigay ng makabuluhan at makatotohanang pananaw. Ang mayorya sa mga nasurbey na NGO ay nagtuon ng kanilang mga aktibidad sa lokal at pambansang antas, at 16 na NGO na nasurbey ay nakakumpleto ng aktibidad ng IPEP.
2. Resulta ng Serbey
2.1 Usapin sa kapaligiran, kalusugan at kemikal
2.1.1 Pestesidyo
Nagpapakita ang mga resulta ng serbey na ang mga prayoridad para sa mga grupo ng PAN sa Timog-silangan Asya ay pangunahin ay ang pestesidyo, komunidad na apektado ang kalusugan, at ang mga kaugnay na isyu ng kahirapan at polusyon. Marami sa mga naserbey na grupo ang kumikilos sa batayang sector lalo na sa mga komunidad ng mga magsasaka na syang nakakaranas ng matinding epekto ng mga pagsasakang pamamaraan na nakadepende sa kemikal na pestesidyo na itinataguyod ng mga malalaking agro-kemikal na kumpanya at mga nasyunal na gubyerno.
Ang lumalalang problema sa kalusugan at pagkasira ng kapaligiran na may kaugnayan sa paggamit ng mga agro-kemikal ay nagtulak sa mga NGOs na ituon ang kanilang atensyon sa usaping ng pestesidyo (kasama ang mga POPs), lalo na ang mga epekto nito sa mga komunidad particular sa mga kababaihan at bata, magsasaka, mangingisda, pambansang minorya at iba pang mga bulnerableng sector. Ang mga NGOs na ito ang kumilala na ang kalusugan at pagkasira sa kalikasan na dulot ng agro-kemikal ay malalim na nakaugnay sa mayor na problema ng kawalan ng lupa, pagbulusok ng ekonomiya at ang paglala ng kahirapan ng mga batayang sector.
2.1.2 Basura
Sa Timog-silangan Asya, partikular ang mahihirap na bansa ng Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Thailand at Vietnam, humaharap sa lumalalang problema sa basura at polusyon resulta ng papalaking populasyon, maduming industriyal na produksyon, at ng indoktrinasyon ng pangkalurang gawi ng pagkunsumo na kinakatangian ng “kultura ng pagtatapon.” Ang mga bansang matindi sa basura, sa kanilang pagmamadali na bawasan ang epekto ng maaksayang produksyon at pagkunsumo, ay ineenganyo na magtayo ng mga mitsero ng basura, kasama na ang mga incinerators.
Para sa mga grupo ng GAIA sa rehiyon, ang mga basura, landfill at incinerator, at ang pagpigil sa mga dioxin at iba pang POPs at gayundin ang greenhouse gas ay pangunahin prayoridad ng ilang NGOs. Ito ay dahil sa, una, tumataas na bolyum at lason ng mga tinatapon na basura resulta ng mabilis na paglaki ng ekonomiya at pag-unlad na nakabatay sa isang di makalikasan at mapanirang lipunan. Pangalawa, sa agresibong pagbebenta ng mga mapanirang teknolohiya para sa pagtatapon ng basura tulad ng landfill at incinerator upang tugunan ang lumalalang problema sa basura. At pangatlo, ang lumalaking interes, lalo na sa mga grupo na kumikilos para sa kalikasan, kalusugan at hustisya, na pigilan ang polusyon ng dioxin mula sa mga maiiwasang pinagmumulan nito tulad ng pagsusunog ng basura.
Ang mga isyu ng NGO hinggil sa basura ay di lamang limitado sa municipal solid waste bagkus kasama din ang mga basura ng galing sa ospital at iba pang mga pangkalusugang pasilidad, at mga basurang galling sa mga pabrika at industriya.
2.1.3 Pagbuga ng POPs: Dioxin at iba pang mga di-sinasadyang produkto ng POPs
Ang mga resulta ng serbey ay nagpakita ng tumataas na kamulatan para pigilan ang produksyon at pagbuga ng dioxin at iba pang mga di-sinasadyang produkto ng POPs, lalo na sa mga sumusunod na pinanggagalingan nito: pagsusunog ng basura kasama ang pagsusunog sa mga landfill at incinerator, kasama ang mga katulad na incinerator mula sa munisipyo, hospital at nakakalasong basura.
Sinuportahan ng IPEP sa Timog-silangan Asya ang mga proyekto ng NGO na tumutugon sa pagbuga ng POPs sa mga nakatayong incinerator tulad ng sa Phuket at Samui sa Thailand, at sa healthcare waste sa Trece Martires City sa Pilipinas. Sinuportahan din g IPEP ang ilang mga proyekto sa Malaysia na kaugnay ng mga pananaliksik ng mga komunidad, pagbubuo ng mga alternatibong patakaran at pagpapataas ng kaalaman laban sa malalaking proyekto ng incinerator para sa municipal waste.
Ilan sa mga nakitang potensyal na problema sa mga tinukoy na prayoridad na usapin ay ang: 1) kakulangan ng kumprehensibong pambansang patakaran na sumusuporta para sa pagbabawas ng lason at basura sa pinagmumulan nito, malinis na produksyon, responsibilidad ng mga prodyuser, ekolohikal na pamamahala ng basura at iba pang prinsipyo upang pigilin ang basura at polusyon, 2) mahinang pagsusubaybay ng mga civil society sa pagbebenta at pag-aalok ng mga korporasyon para sa mga pambasurang teknolohiya na nagbubuga ng dioxin, at 3) ang kakulangan ng isang masigla at abot-kayang teknolohiya para sa ligtas na pagtatapon ng mga nakakalasong basura.
2.1.4 Rehimen para sa paglago ng ekonomiya at kaligtasan sa kemikal
Ang rehiyunal na serbey ng IPEN ay nagpakita ng papalaking kahalagahan na ibinibigay ng mga civil society sa iba pang mahahalangang usapin na may rehiyunal na katangian, kasama ang 1) pag-alis ng taripa sa mga bilateral na usapin, lalo na sa pagitan ng Japan at ng mga bansa na kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para sa mga pinagbabawal ng kemikal/produkto, 2) krisis sa pagtatapon ng basura ng mga post-consumer na produkto tulad ng mga basurang elektrikal sa mga industriyalisadong bansa, at 3) usaping pangkalusugan at pangkaligtasan na may kaugnayan sa kalakalan sa pagkain at agrikultura, kosmetik at parmasyutikal na produkto, at mga laruang pambata.
Sa partikular, ang pang-ekonomiyang kasunduan ng Japan sa mga bansa sa Timog-silangan Asya at ang kumprehensibong malayang kalakalang kasunduan ng Japan sa ASEAN ay nagbibigay ng oportunidad para sa mga pangkalikasan, pangkalusugan at panghustisyang organisasyon na patampukin ang kanilang oposisyon sa pagtatapon ng nakakalason at mapanganib na basura, kasama ang e-waste, at gayundin laban sa pag-eeksport ng mga maduduming teknolohiya at industriya sa mga mahihirap na bansa. Ang mga kontrobersyal na pangekonomiyang kasunduan ay nagbibigay din ng mga oportunidad sa mga pangkalusugan at pangkalikasan grupo na makipagdyalogo at makikapit bisig sa iba pang mga grupo at kilusan na kumikilos para sa isang makatao at pantay na relasyon sa pagitan ng mga bansa tulad ng ipinakitan ng karanasan ng myembro ng IPEN sa Indonesia, Pilipinas at Thailand.
2.2 Mga Pamamaraan, gawi at stratehiya ng NGO
2.2.1 Pagmumulat
Bilang tugon sa usaping ng POP at iba pang kemikal, ang mga kilalang aktibidad ng NGO sa rehiyon ay ang mga sumusunod: pananaliksik, paggawa at pagpapamahagi ng mga information materials, paghahanda ng mga pampublikong pahayag, pagsasagawa ng mga aktibidad para sa media, pagdaraos ng mga workshop at pagsasanay sa edukasyon, pagsasagawa ng mga patakaran, adbokasiya, pagsubaybay sa mga komunidad, pagseserbisyo at mobilisasyon.
Kaugnay ng mga proyekto at aktibidad ng pang-edukasyon, ang mga NGOs sa rehiyon ay gumamit ng iba’t-ibang pamamaraan upang ikalat ang impormasyon at kaalaman gayundin upang abutin ang mga indibidwal at grupo. Ito ay sa pamamagitan ng mga seminar, workshop, focus group discussion, bidyo, newsletter, fact sheets, artikulo sa magasin at dyaryo, at websites. Isang proyektong bidyo ng IPEP na may pamagat na “Alice Lives Here” ay nagbigay ng bagong pamamaraan para sa pakikibaka ng mga komunidad laban sa mga incinerator, nagpataas ng kaalaman hinggil sa incinerator at POPs, nagpasigla ng moral ng mga komunidad, at nagbigay ng malakas na boses para sa kanila.
Pinakita ng serbey na ang lumalaking pagkilala ng mga NGO sa papel na ginagampanan ng mass media sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga usaping pangkaligtasan sa kemikal gayundin sa pagtutulak ng mga debate at aksyon sa mga mahahalagang usapin.
Sa particular ang mga NGO sa Pilipinas ay mulat na ginagamit ang mass media, nagbibigay ng mga pahayag, at nag-oorganisa ng mga malikhaing aksyon para ipaliwanag ang mga kagyat na usaping pangkalusugan, pangkalikasan, at panlipunan. Ilan sa kanila ay nakikipagtulungan sa mga kilalang artista, atleta, politiko para sa mas malawak at mas matagal na eksposyur sa media.
Ang isang NGO (EcoWaste Coalition) ay patuloy na ginagamit ang mga dyaryo, tabloyd at magazine para ikalat ang kanilang mensahe sa mga tao, pati sa mga lehislador, hinggil sa mga isyu ng basura, dioxin, polychlorinated biphenyls, at iba pang di sinasadyang produkto ng POPs at mga kemikal gaya ng mercury sa mga compact fluorescent lamps at lead at phthalates sa mga laruan.
Isa namang NGO mula sa Malaysia, ang Consumers’ Association of Penang ay epektibong nakakapagbigay ng kritikal na inpormasyon tungkol sa POPs at iba pang mga kemikal sa pamamagitan ng Konsumer Utusan (Consumer News), booklet, gabay at iba pang popular na publikasyon sa mga lengwaheng instik, Ingles, Malay at Tamil para maabot ang mga mayor na grupo.
Sa Cambodia, ang nasyunal na media ay nagbigay ng prominenteng pampublikong atensyon sa mga pagmumulat na aktibidad ng Cambodian Centre for the Study and Development of Agriculture tungkol sa POPs, pestisidyo at sa mga sustenableng alternatibo. Ang mga forum at pagsasanay hinggi sa POPs ay inorganisa ng grupo ay malawak na sinubaybayan ng lokal na radyo at estasyon ng TV.
Habang ang ibang NGo ay may sariling website o blogspot, lumabas sa serbey na karamihan sa mga NGos sa rehiyon ay kailangan pang epektibon magamit ang internet bilang kagamitan sa kampanya halimbawa sa pamamagitan ng mga petisyon, aksyon, blogs atbp.
2.2.2 Pakikipagalyado sa iba pang NGO
Karamihan sa mga sumagot ng serbey ay aktibong myembron gn GAIA, IPEN at PAN, habang ang ilang ay nagtratrabaho sa ibang mga network gaya ng BAN at HCWH sa mga partikular na isyu. Ang lebel ng partisipasyon ng mga network na ito ay dinidikta ng kumon na pangangailangan ng lokal o nasyunal na mga grupo upang magbuklod sa rehiyon o internasyunal. dagdag pa ang pangangailangan na masuportahan sa mga mahahalagang isyu sa pamamagitan ng pagpapalitan ng impormasyon, tulong sa kampanya, sa siyensya o teknikal na mga aspeto, atpb. Ang pandaigdigan at rehiyunal na suporta ay nagbibigay ng dagdag na awtoridad sa mga grupo para makipagdiyalogo, lobby at magimpluwensya sa mga lehislador at mambabatas sa nasyunal na lebel.
Ang IPEN sa pamamagitan ng IPEP ay signipikanteng nakatulong sa pagbibigay sa mga NGO ng mga mahahalagang rekurso para masimulan at makumpleto ang mga maiikling pagaaral at proyekto gaya ng ulat ng mga sitwasyon ng bansa, ulat sa mga nanganganib na lugar at iba pang pambansang aktibidad. Marami sa mga NGO na nagpapatupad ng IPEP ay natulungan ng mga teknikal na suporta at payo na binigay ng mga spesyalista at aktibista ng IPEN at mga alyado nito.
Marapat lang na mabanggit na marami sa mga sumagot sa serbey ay kabilang sa mga lokal na koalisyon na tumitingin sa sosyo-ekonomik, politikal, pangkalisang kalusugan, pangkatarungang isyu na interes nila. Ang mga koalisyong ito, gaya ng mga nakalista sa baba, ay nagbigay sa mga sumagot ng lugar para sa adbokasiya at pagkikilala at suporta sa lokal na lebel.
Cambodia: NGO Forum ng Cambodia (78 lokal at internasyunal na NGO na buong kasapi, 2 kaugnay na kasabi, at 11 na di kasapin na rehiyunal at sektoral na grupo) Indonesia: Indonesian People's Forum (lagpas 40 na CSOs, kumakatawan sa 6 na mayor na grupo: pesante, mangagawa, katutubo, kababaihan, kabataan, NGOs), Indonesia Waste Forum (isang multi-stakeholder na katawan ng mga ahensya ng gobyerno at NOs), Jala-Sampah o Garbage Network na may (25 na kasaping grupo) Malaysia: Malaysian Environmental NGOs or MENGO (19 environmental NGOs) Philippines: EcoWaste Coalition (75 kasaping organisasyon), Kalikasan/People’s Network for the Environment (28 sektoral and rehiyunal na grupo at NGOs), Resist Agrochem TNCs (52 organisasyon at institusyon)
Ang pagpapatupad ng IPEP, partikular sa Thailand, ay nagresulta sa pormasyon ng Thai POPs Elimination Network or ThaiPEN (binubuo ng 7 grupo) at nagbibigay ng mekanismo para sa koordinasyon at pagpapalitan ng mga impormasyon, pagtatayo ng kapasidad at para sa pagpapaunlad ng posisyon at aksyon ng ng civil society hinggil sa POPs.
2.2.3 Paglahok sa polisiya: pandaigdigan at pambansang pakikisangkot
Sa pangkalahatan, ipinapakita ng serbey ang iba’t-ibang antas ng pakikisangkot ng mga NGO sa pagpapa-unlad ng polisiya hinggil sa mga kemikal sa bansa at sa SEA. Bagaman marami ang aktibong tumutugon sa mga isyu sa kemikal at pagkalason, kakaunti lamang ang may kakayahan upang tuwirang makialam sa mga pambansang proseso hinggil dito, na sa pangkalahatan ay hindi nagiging mabisa upang humikayat ng pakikilahok at input mula sa civil society. Ang ganitong kalagayan ay maaaring iugnay sa 1.) kawalan ng kakayahan sa makahulugang pakikilahok ng mga NGO sa mga pulong at konsultasyon higgil sa polisiya, 2.) hindi pagiging bukas ng mga prosesong pampolisiya sa paglahok ng civil society, at 3.) kalayuan ng mga NGO sa mga kapital at siyudad kung saan pinag-uusapan at pinagpapasyahan ang karamihan ng mga polisiya at kaugnay nito ang kawalan ng suportang pinansyal upang masiguro ang kanilang pagdating sa lugar.
Ilan sa mg halimbawa ng iba’t-ibang uri ng pakikisangkot ay kinabibilangan ng paglahok ng IPEN SEA Co-Hubs sa komiteng nasyunal na bumalangkas ng National Implementation Plan (NIP) ng Pilipinas sa ilalim ng Stockholm Convention on POPs, habang ang ibang grupo naman ay lumubog sa chemical policy work sa lokal na antas. Halimbawa nito ay ang matagumpay na adbokasiya sa Mindanao na nagtulak sa lokal na pamahalaan upang ipagbawal ang aerial spraying ng pestisidyo.
Sa Cambodia, ang Cambodian Centre for the Study and Development of Agriculture ay nakipagtulungan sa Ministry of Agriculture sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa pagbabawas ng pestisidyo kaalinsabay ng isang integrated pest management. Sa Malysia, nagbahagi ng input ang CAP sa Department of Environment sa ilalim ng Ministry of Natural Resources and Environment upang makabuo ng NIP sa bansa hinggil sa pangangasiwa ng POPs.
Sa Thailand, ang ThaiPEN sa pamamagitan ng pamumuno ng Campaign for Alternative Industry Network at Greenpeace Southeast Asia, ay nagsumite ng mga mungkahi sa Pollution Control Board, na siyang pangunahing ahensya hinggil sa POPs sa antas ng nasyunal. Sa India, malaki ang papel na ginampanan ng Thanal sa kampanya na nagbunsod sa estado ng Kerala upang ipagbawal ang endosulfan, isang nakalalasong organochlorine na pestisidyo.
Bagaman ilan sa mga NGO ay may inabot na antas ng pakikisangkot sa kinauukulang kagawaran ng gobyerno, tanging ang mga IPEN SEA Co-Hubs lamang ang regular na naiimbitahan ng national focal point para sa Stockholm Convention and Strategic Approach for International Chemicals Management upang makibahagi sa mga pulong kung saan sila rin ang nagsisilbing watchdog sa mga prosesong pinangungunahan ng mga opisyal ng gobyerno at kinatawan ng mga industriya. Sa mga bansa sa SEA, kapansin-pansin na ang mga mekanismo sa pag-konsulta at paglahok ng publiko hinggil sa POPs at iba pang isyung pangkaligtasan hinggil sa paggamit ng kemikal, kung mayroon man, ay natural na ad hoc at hindi binubukas sa malawak na bilang ng mga interesadong NGO.
Ilan sa mga NGO ay mas matagumpay na nakikisangkot sa mga pultiko at taong-gobyerno dahilan sa kanilang track record sa larangan ng kalusugang pampubliko at makakalikasang adbokasiya. Dulot ito ng pinagsamang paggamit ng masalimuot na pananaliksik at epektibong pagpahayag nito sa mga tagapagpasya, malikhaing paggamit ng media gaya ng print, broadcast at iba pa, at ang pagbabahagi ng kaalaman at pagpapakilos sa mga komunidad at stakeholder.
Ipinakikita ng serbey ang ilan sa mga tagumpay na natamo ng mga NGO sa pag-impluwensya sa mga batas at polisiya na lubos na nakakaapekto sa kalusugan ng komunidad at kapaligiran. Ngayong taon, ipinagdiwang ng mga civil society groups sa Malaysia, particular sa estado ng Salengor ang pagpapatigil sa isang mega incinerator project, at ang pagpapahinto ng isang ma-anomalyang waste-to-energy facility.
Sa Pilipinas, ankipagtulungan ang mga NGO sa larangan ng kalusugan at kalikasan sa iba’t-ibang grupo at kilusan na nagbunsod sa pagkabuo ng isang malawak na koalisyon ng mamamayan laban sa kontrobersyal na Japan-Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA). Tinulak ng koalisyon ang tanggapan ng Pangulo upang muling pag-aralan sa Senado bago ipasa ang nasabing batas, kung saan siyam na public hearing ang isinagawa at ipinanalo ng mga tumututol.
Sa India, umani ng mga papuri ang Zero Waste Kovalam sa lokal at internasyunal na antas sa pagiging modelong programa nito na nagbibigay diin sa mga makabago at malikhaing pamamaraan upang bawasan ang basura at pangalagaan ang kalikasan habang patuloy na nagbibigay ng kabuhayan sa mga maralilta sa kanayunan.
2.2.4 Pagsubaybay
Ayon sa mga sumagot ng serbey, ilan sa kanila ay gumagamit ng health monitoring, bio-monitoring at environmental monitoring upang pangalagaan ang kalusugan ng komunidad laban sa POPs at iba pang mapanganib na kemikal. Sa katunayan, sinuportahan ng IPEP ang ilan sa mga proyekto na may kinalaman sa pagsubaybay sa mga napag-alamang pollution hotspots gaya ng POPs environmental scanning na isinagawa sa mga kritikal na bahagi ng Manila Bay na isinagawa ng Fisherfolk against Toxics, ang POPs survey sa mga komunidad at watershed na apektado ng mga pestisidyo na isinagawa ng Lakaba, ang pagsubaybay sa pagiging lantad ng mga komunidad sa PCBs na isinagawa ng Advocates of Science and Technology for the People, at ang pagtatasa sa kalusugan ng mga katutubo sa isang komunidad na kontaminado ng PCBs na isinagawa ng People’s Task Force for Bases Cleanup. Sinasanay at pinalalakas ng Community-based Pesticide Action Monitoring (CPAM) na ipinatutupad ng Pesticide Action Network for Asia and the Pacific ang mga lokal na komunidad upang matugunan ang kakulangan sa impormasyon hinggil sa mga epekto ng pestisidyo sa pampublikong kalusugan at sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsubaybay sa komunidad, na siyang nagbibigay daan upang makaalam at makapag-organisa ang mga apektadong komunidad upang kumilos at bawasan ang panganib na dulot ng paggamit at pagkalantad sapestisidyo, at ang paggamit ng mga maka-kalikasang pamamaraan sa agrikultura.
Bilang kabahagi ng pandaigdigang pagsubaybay ng IPEN ng mga egg samples para sa POPs, ang Cavite Green Coalition, EcoWaste Coalition, GAIA and Health Care without Harm ay nangalap ng mga itlog ng manok malapit sa isang medical waste incinerator facility sa Trece Martires. Ito ang kauna-unahang impormasyon na nakalap hinggil sa kontaminasyon ng mga itlog sa Pilipinas. Nakapagbigay din ang grupo ng karagdagang materyales para pagpapatuloy ng laban para sa tunay na pagpapatupad ng ban laban sa mga incinerator, sa ilalim ng Clean Air Act at Ecological Solid Waste Management Act.
2.2.5 Pagtulak at pagsasalarawan ng mga ligtas na alternatibo
Ipinakikita ng serbey ang pagsisikap ng mga NGO sa rehiyon sa pagsusulong ng mas ligtas at di-nakalalasong pamalit, partikular sa pagtatanim ng pagkain at pangangasiwa sa basura.
Ipinahayag ng mga respondents na nasa larangan ng food safety, security at sovereignty, ang kanilang suporta at pagtulak ng maka-kalikasang pamamaraan sa agrikultura sa mga magsasaka upang putulin ang pagiging pala-asa sa agrochemicals, lalo na sa mga ipinagbabawal at nakalalasong pestisidyo.
Halimbawa, sa “people’s food sovereignty” na programa ng Pesticide Action Network for Asia and the Pacific, kasama ang makakalikasang agrikultura bilang isa sa apat na pangunahing pinopokosan na isyu. Kabilang din sa mga pagsisikap ng mga NGO sa naturang layunin ang pagtulak sa isang integrated pest management at pagsuporta sa community-oriented organic farms.
Para sa nasa larangan ng basura at polusyon, nagkaroon din ng mga inisyatiba sa polisiya, gayundin ng mga proyekto na nagpapakita ng epektibong pamamahala sa basura nang hindi gumagamit ng incinerator sa pamamagitan ng Zero Waste approach.
Halimbawa, ang Bali Fokus, kasama ang Consumers Association of Penang, EcoWaste Coalition at GAIA ay nagpasimula ng isang policy brief tungkol sa Zero Waste bilang isang alternatibo na walang POPs sa pamamahala ng basura sa Indonesia, Malaysia at Pilipinas.
Ipinakita ng ecological waste management project sa ika-23 Southeast Asian Games, isang demonstration project na tinaguyod ng IPEP, ang pagiging mabisa ng Zero Waste sa pagbabawas ng basura at pagpigil sa pagkabuo ng POPs mula sa pagtatapon ng basura.
2.2.6 Pag-unlad ng organisasyon
Ang mga pangangailangang pinansyal ng mga kalahok sa serbey ay higit na lumaki kaalinsabay ng paglawak ng kabatiran ng mamamayan at iba pang susing aktibidad. Bilang resulta ng mga matagumpay na kampanya at natamong media attention, marami sa mga grupo sa komunidad (kalimitang mga kalahok sa mga aktibidad na nagpapa-unlad ng kabatiran ng mamamayan na isinagawa ng mga NGO) ang nagpahayag ng kagustuhang sumailalim sa mga pagsasanay upang makabuo ng kapasidad sa pagsasagawa ng pagpapabatid, pananaliksik, at gawaing adbokasiya. Ipinahayag din nila ang interes na sumali sa mga nasyunal at internasyunal na kampanya tulad ng “No Pesticides Day”.
Ipinahihiwatig nito ang higit na pangangailangan sa pagkalap ng pondo upang masuportahan hindi lamang ang malaking bilang ng mga grupo sa komunidad na nagnanais na buuin ang kanilang kapasidad, kundi maging sa pagpapanatili at pagsusulong ng mga prinsipyo sa mas mataas na antas, upang matamo ang mga layunin ng isang hinaharap na malaya sa mga nakalalasong kemikal. Kung ikukumpara sa mga nakaraang taon, tunay na malayo na ang naabot ng mga layuning ito.
Marami sa mga bagong NGO at sektoral na grupo na interesado sa pagsali sa naturang network ang mayroong malaking pagkukunan ng lakas-paggawa. Mayroon din silang dedikadong grupo ng mga batayang sector at panggitnang- uri na handing maglaan ng oras at panahon maging sa kakaunting kompensasyon maisulong lamang ang isang malayang hinaharap. Ito ay lumilikha ng higit na malaking demand para sa administratibo at pagkukunang pinansyal sa pan-rehiyon at nasyunal na mga NGO, na sa katotohanan ay makukuha lamang sa pamamagitan ng panlabas na pagpopondo.
Tinatangka ng ilan sa mga NGO na mapalaki ang lokal na base sa pamamagitan ng mga proyektong pang-komunidad na may potensyal sa pangangalap ng pondo. Marami sa mga NGO sa Cambodia, Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang pumasok sa mga kontrata at kasunduan sa pagitan ng gobyerno at iba pang institusyon upang mapalaki ang kanilang pinagkukunang pinansyal at maisakatuparan ang mga pinlanong aktibidad batay sa mga stratehikong layunin.
Ilan sa mga sumagot ng serbey ay tumanggap ng mga tulong mula sa mga pribadong institusyon na karaniwang nakabase sa Europa at Estados Unidos. Ang mga pondo ay inilaan sa mga andmistratibo at pangoperasyong pangangailangan, implementasyon ng mga proyekto mula sa pananaliksik, produksyon at pamimigay ng inpormasyon, edukason at komunikasyon na material, pagsasanay, pagoorganisa, kampanya, at adboasiya para sa kabuhayan at pagangant ng komunidad. Ang mga aktibidad hinggil sa ligtas na kemikal na mga isyu ay may maasahang pondo lamang mula sa 6-12 na buwan.
3. Pangrehiyunal na Planong Aksyon: Mga Pagkakataon at Pangangailangan
3.1 Stratehikong pangrehiyong balangkas ng NGO
Ang kapansin-pansing pagdami ng mga aktibidad sa komunidad at maging sa antas nasyunal tungkol sa isyu ng POPs ay sanhi at epekto ng IPEP sa Timog-silangang Asya. Ang “activity magnification effect” ng mga istrukturang panrehiyon sa pagtulong sa pagpapatupad ng mga probisyon sa Stockholm Convention ay maaaring hindi matutularan.
Bago ang IPEP, kakaunti lamang ang impormasyon, research, kabatiran ng publiko, at mga aktibidad at adbokasiya na may kinalaman sa POPs sa antas ng komunidad, rehiyon at nasyunal. Tulad ng makikita sa maraming ulat ng mga proyekto, ang pagtutuon ng malaking bilang ng pwersa ang nagbibigay sa isyu ng POPs ng mataas na antas ng atensyon mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan, pati na rin ng gobyerno.
Ilang pahayag:
Ang dokumentaryo sa pakikipagtulungan ng IPEP tungkol sa pagkilos ng mamamayan laban sa Broga incinerator ay nagbigay ng bagong pamamaraan o anyo ng paglaban sa mga nasasalantang komunidad, bagay na wala sa kanila noon. Nakatulong ang dokumentaryo sa pagpapalakas ng moral at boses ng mga mamamayan. Ang epekto ng proyektong ito ay patuloy na lumalaki at umaabot maging sa labas n gating immediate contacts.” (Broga Documentary Team, Malaysia)
“Tumulong ang IPEN sa aming walang humpay na pagtataguyod ng ban laban sa mga incinerator sa bansa sa pamamagitan ng mga IPEP-assisted na mga proyekto tulad ng egg sampling project na isinagawa malapit sa isang waste disposal facility para sa mga basurang medikal. Tumulong din ang IPEN sa pagpapakita sa atin ng mga maaaring gawin, mura, at maka-kalikasang pamamaraan at alternatibo sa pagsunog o incineration ng basura, na nagbabawas ng pag-aaksaya at pagkabuo ng mga dioxins at iba pang nagdudulot ng polusyon. (Ecowaste Coalition, Philippines)
Ang IPEN ay isang mabisang pagkukunan ng ibat-ibang impormasyon hinggil sa mga isyung pangkaligtasan kaugnay ng mga kemikal. Sa pamamagitan nito, naaabot at nakakakalap ng mga case studies as antas ng internasyunal, maging ng mga komento at rekomendasyon mula sa isang network ng mga resource people. (CAIN, Thailand)
Bagaman wala pang malinaw na panukat upang malaman ang aktuwal na bilang ng mga tao na naabot ng mga aktibidad hinggil sa POPs, at walang pag-aaral upang malaman ang antas ng pagbabago sa larangan ng polisiya at ng pananaw ng mga tao, mula sa mga aktibidad na ito, kahit sa isang mabilisang tingin ay mahihinuha na mayroong malaking pag-igpaw sa antas ng kamalayan ng ibat-ibang stakeholder hindi lamang sa isyu ng POPs kundi maging sa isyu ng nakalalasong kemikal at pampublikong kalusugan at kapaligiran.
Subalit kahit pa malawak ang nasasaklaw ng mga aktibidad ng IPEP, marami pa ring larangan ang nangangailangan ng atensyon at maliit lamang ang epekto nito sa “POPs minefield.” Samakatuwid, kailangang magkaroon ng mekanismo na hihikayat at magpapanatili ng mga aktibidad upang hindi mawala ang momentum na nalikha ng mga naunang aktibidad ng IPEP. Ang patuloy na pagsuporta para sa mga aktibidad hinggil sa POPs at iba pang kaugnay na isyu sa mga kemikal ang hahadlang sa pagkawala ng interes na publiko ditto at magpapalakas sa mga NGO upang samantalahin ang mga opurtunidad na nauna nang nabuksan para sa pagbabagong pananaw at pampolisiya.
Ipinatutupad ng mga namamahala sa IPEP ang proyekto sa isang masaklaw na perspektiba kung saan isinasama at tinatalakay ang mga isyung sosyal, political, ekonomik, at katarungang pang-kapaligiran. Ang pagiging masigasig, malakas, at mapagpahinungod na katangian ng mga IPEP partners, lalo na ng mga kumikilos kasama ang mga grassroots ay nagpapahiwatig ng nakalulugod na katangian ng mga probisyon sa ilalim ng Stockholm Convention at ang malalim na pag-unawa ng mga IPEN partners sa mga kinakailangang gawin upang maging makatotohanan ang isang hinaharap na malaya sa pagkalason.
3.1.1 Pagpapalakas ng ugnayan ng mga NGO, pagtutulungan at pamamahagi ng mga Impormasyon
Kinakailangan ang isang malawak at sustenidong probisyon ng impormasyon, kampanya, siyentipiko, teknikal, pinansyal at iba pang makatutulong sa pag-papaunlad ng kapasidad na siyang aalalay sa mga lokal na inisyatiba ng mga NGO hinggil sa POPs. Ang malawak na isyu hinggil sa kaligtasan sa paggamit ng mga kemikal ay kinakailangan at mahalaga, pati ang pagbubuo mula sa mga tagumpay na nakamit at mga aral na natutunan habang isinasagawa ang IPEP sa rehiyon.
Partikular na pagkilos:
3.1.2 Kasunduang internasyunal at pampolisiyang talakayan para sa pagkilos sa antas nasyunal
Kinakailangang gamitin ang iba’t-ibang aspeto ng kasalukuyang kasunduang multilateral, particular yaong tungkol sa pampublikong kalusugan at pang-kapaligiran, sa pagsuporta sa mga local at nasyunal na adbokasiya upang ipagbawal at tuluyang tanggalin ang POPs, at maging ang pagtaguyod ng maka-kalikasang pamamahala ng mga kemikal at basura. Dagdag pa rito, maaaring gamitin ng civil society ang mga pahayag ng Association of Southeast Asian Nations, kabilang na ang pinakahuling “Asean Declaration on Environmental Sustainability” na tinanggap at ipinatupad ng mga lider ng mga bansa.
Partikular na pagkilos:
3.2 Mga Pangangailangan ng NGO
3.2.1 Pagbubuo ng kapasidad at pagsasanay
Kinikilala ng mga NGO ang pangangailangan sa patuloy na pagbubuo ng kapasidad at pagsasanay upang higit na maging epektibong kalahok sa proseso ng paggawa ng polisiya sa local at nasyunal na antas. Ang teknikal na kapasidad, kasama ang pagkakaroon ng siyentipikong kasanayan at ng angkop na teknolohiya ay isang kakulangan na dapat pagtuunan ng pansin ng mga partner NGOs. Ang pinahusay na kapasidad teknikal ay magpapalakas sa mga NGO upang matagumpay na isulong ang mga panukalang batas at regulasyon na epektibong makababawas o makakasugpo ng panganib na dulot ng kemikal, gayundin ang pagsulong ng ligtas at di-nakalalasong alternatibo.
Partikular na pagkilos: Hanapin at paunlarin ang mga ugnayan sa mga espesyalista na siyang magbibigay sa mga NGO ng kinakailangang teknikal at siyentipkikong suporta sa mga pamamaraan tulad ng: a. Pagsulat, pag-review, at pag-critique ng mga polisiya, teknikal na papel, environmental impact assessment (EIA) na dokumento, at iba pang kaugnay na papel. b. Pagiging daluyan at pagkukunan ng kasanayan sa pagbubuo ng kapasidad, pagsasanay at iba pang aktibidad ng pagtulong sa mga komunidad. c. Pag-agapay sa pakikipagtalastasan sa mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng simple at di-teknikal na lengwahe upang higit nilang maunawaan ang mga masalimuot at teknikal na isyu. d. Pagbibigay ng gabay kung saan makikita ang mga kaugnay na datos. e. Pagpapatunay sa mga pandinig o public hearing. f. Pakikipag-usap sa mga miyembro ng media at mambabatas.
3.2.2 Mga pagsasanay pangkaunlaran sa organisasyon
Ang mga pangangailangang organisasyunal at pinansyal ay lumalaki kaugnay ng paglaki ng kabatiran ng publiko at iba pang aktibidad. Bilang resulta ng matagumpay na kampanya at atensyon mula sa media na nakamit, marami sa mga grupo sa komunidad (kalimitang mga kalahok sa mga aktibidad na isinagawa ng mga NGO) ay nagpahayag ng kagustuhang sumailalim sa mga pagsasanay na magpapaunlad ng kanilang kapasidad upang makapagsagawa din sila ng mga kampanya sa local, pagsasaliksik at gawaing adbokasiya sa ganang kanilang sarili.
Partikular na pagkilos:
3.2.3 Pagsubaybay: kapaligiran at tao: paggawa ng datos
Ang mga grupong kumikilos para sa pampublikong interes at kinakailangang maghanap, mangalap, at magtipon ng mga tumpak at mapagkakatiwalaang datos upang maging epektibo sa kanilang mga aktibidad ng pagpapabatid sa publiuko at iba pang adbokasiyang pampolisiya. Kinakailangan nilang paunlarin ang kanilang sariling kapasidad, kasama ng mga grassroots peoples’ organization, upang magsagawa ng mga pananaliksik at pagsubaybay sa isang siyentipiko at mapagkakatiwalaang pamamaraan. Subalit, hindi sila nararapat na makulong sa kasalukuyang pananaw ng tinatawag na “sound science”, na sa katotohanan ay “corporate science” na siyang namamayaning kaisipan sa karamihan sa mga gobyerno. Ang mga grupong nagtataguyod ng pampublikong interes ay nararapat na magsulong ng maka-mammayang siyensa, sistematikong tinitipon ang mga kaalaman at karanasan sa komunidad upang mapaunlad ang isang totoong siyensa na hindi pinangungunahan ng pribadong interes. Ang mga grupong ito ay nararapat ding isulong ang prinsipyo ng pag-iingat, at huwag pahintulutan ang kawalan ng datos na makasagabal sa pagprotekta ng kalusugan at kalikasan.
Partikular na pagkilos:
4. Pagtatapos
Parami nang parami ang mga NGOs na may pampublikong interes sa timog-silangan asya na nagiging interesado sa toxics-free future campaign ay marami na ang nagpahayag ng kagustuhan na magsagawa ng mga proyekto at actibidad para sa Stockholm Convention on POPs, SAICM at iba pang katulad na tratado. Habang nagiging sangkot sa isyu hinggil sa kalusugan at kalikasan, ang mga grupong ito ay nalilimitahan ng kanilang kawalan ng kapasidad na epektibo at tuloy tuloy na tumugon sa lumalaking problema at pagsubok. ang mabilis na pagtaas ng kamulatan ng mga tao tungkol sa toxics ay lumikha ng mataas na ekspektasyon at pangangailangan lalo na sa mga pagsasanay at iba pang aktibidad na magpapataas na kapasidad. ang ganitong sitwasyon ay sumusubok sa kapasidad ng mga NGO at sa kanilang mga tagapagsalita na makatugon agad sa mga hiling. Ito rin ay nakagawa ng mataas na pangangailangan sa usaping teknikal at pinansyal sa mga NGOs.
Gayundin, mayroong masiglang civil society ang timog-silangang Asya at marami sa kanila ay kumikilos sa ilalim ng particular na aspeto ng chemical safety policy development at iba pang Gawain na hindi batid sa atin. Sa gayon ay napakahalaga ng patuloy na pag-aaral upang malaman kung sino ang mga grupong ito, at kung papaano makikipag-sanib pwersa sa kanila upang mapalakas an gating boses para sa isang toxics-free na hinaharap. Bagaman ang timog silangang Asya ay tahanan ng karamihan sa mga pandaigdigan, pan-rehiyon at iba pang antas ng organisasyon, walang gaanong konkretong pakikipagtulungan na namamagitan kahit pa malaki ang ptensyal para dito.
Panghuli, kinakailangang tugunan ng mga NGO sa ilalim ng isyu ng Chemical safety ang mga banta ng pagkalason mula sa pinataas na ekonomiyang pakikipag-ugnayan sa loob ng balangkas ng ASEAN sa ilalim ng ASEAN-Japan Comprehensive Economic Partnership Agreement, na siyang pinagkakasunduan ng mga gobyerno na may kaunting pakikilahok mula sa mga civil society.
Ang mga susunod na hakbangin ay ang pagtiyak sa kapasidad sa pagsasagaw ng mga follow-up na aktibidad, parikular ay sa pagpapalawak ng mga aktibidad pampublikong kabatiran, pa-oorganisa sa lahat ng mga nagging sangkot at paghahanda sa kanila sa isang follow-up na pagkilos tulad ng pag-lobby sa antas ng likal at nasyunal, mga particular na kampanya sa pagtigil o pagbawas ng paggamit ng mga nakalalasong kemikal at pagsasagawa ng higit na masalimuot na pananaliksik gaya ng environmental sampling at bio-monitoring kung kakayanin.
Isa pang bahagi ng gawain ay ang pagpapaunlad ng administratibo at logistical support services ng mga NGO na nagsasagawa ng pakikipag-ugnayan. Madalas, ang pondo ay inilalagak lamang sa mga proyekto nang walang sapat na atensyon sa pagbibigay ng kinakailangang suportang pinansyal para sa administratibo at logistical na pangangailangan. Ang ganitong sitwasyon ay kalimitang nagreresulta sa kawkulangan ng napapanahong pagtugon sa mga pakiusap ukol sa suportang teknikal at paka-antala sa par-ulat at pagbibigay ng sapat na feedback ukol sa takbo ng aktibidad.
Bagaman kakulangang maituturing ang mga nabanggit, pagkakataon din ang mga ito upang mapaunlad ang mga aktibidad sa hinaharap upang lalo pang mapahusay ang kapasidad sa pagkamit ng isang toxics-free na hinaharap sa rehiyon. Ang momemtum sa pagkamit ng makabuluhang tagumpay sa pag-angat ng antas ng kabatiran ng publiko at ang pagkilos na pinangunahan mismo ng mga komunidad, ang di mapapantayang pagbabago sa mga polisiya ng gobyerno sa pamamagitan ng lobbying at iba pang istratehiya, ang matagumpay na kampanya sa pag-ban sa piling mga pesticides, at iba pang mga tagumpay ay kinakailangang masunan at mapanatili upang pangalagaan ang mga pakinabang at maihanda ang daan tungo sa mas mataas na antas ng tagumpay. Kinakalingang mas maging dedikado, militante at mapagsumikap ang mga partner NGOs at alyadong mass organizations upang higit na mamulat, ma-organisa, at mapakilos ang mga komunidad at mamamayan.
Para sa karagdagang impormasyon, huwag magatubiling magpadala ng e-mail kay Romy at romyquij@yahoo.comat Manny sa mannyc@no-burn.org. Salamat po.
[1] Aldrin, endrin, chlordane, DDT, dieldrin, dioxins and furans, endrin, heptachlor, hexachlorobenzene, mirex, PCBs, and toxaphene
[2] Ang walong hub na rehiyon ay: Anglophone Africa (nagtratrabaho sa Ingles at Kiswahili); Central Europe (nagtratrabaho sa Ingles ); Eastern Europe, Caucasus and Central Asia (EECCA) Region (nagtratrabaho sa Ruso); Francophone Africa (nagtratrabaho sa French); Latin America and the Caribbean (nagtratrabaho sa Espanyol at Ingles); Middle East (nagtratrabaho sa Arabic); South Asia (nagtratrabaho sa Ingles ); at Southeast at East Asia and the Pacific (nagtratrabaho sa Ingles).
|